NDIS Miniport Drivers

Ang NDIS ay sumusuporta sa iba't-ibang mga pangunahing uri ng network interface card (NIC) driver.Ang mga ito ay connectionless NDIS miniports,connection-oriented NDIS miniports at NDIS miniports na mayroong WDM Lower Edge.

NDIS Protocol Drivers

Ang Protocol driver ay nabibigkis sa isang pinagbabatayang miniport driver o intermediate driver na nagbibigay ng MiniportXxx interface sa upper edge nito.

NDIS 6 Intermediate Drivers

Ang NDIS intermediate driver ay nag-uugnay sa upper-level protocol driver at miniport driver. Isang halimbawa ng aplikasyon na maaaring mangailangan ng isang intermediate driver ay ang solusyong LBFO (Load Balancing Fail Over). Kadalasan ang NDIS 6 intermediate driver ay ginagamit sa isang senaryong mux o demux na may relasyong 1-n o n-1 sa pagitan ng upper edge at lower edge.

NDIS 6 Filter Drivers

Sa NDIS 6 ang mga sumusunod na aplikasyon ay karaniwang hindi ipinatutupad gamit ang intermediate driver:

-Pagsala ng impormasyon para sa seguridad o iba pang mga layunin.
-Pagsubaybay at pagkolekta ng mga istatistika ng network data,atbp.

Sa halip,ang ganitong mga aplikasyon ay ipinatutupad gamit ang NDIS 6 Filter driver o ang Windows Filtering Platform (WFP).